Wednesday, October 9, 2013

Vote wisely

I want to say something, pero baka nanaman mali ang point ko. So, I'd rather post it here instead.

I saw an article with a title that has been to my attention for so long. I wasn't able to read what it was about, though the title dictates something which is already happening. I was one of those citizens who condemn others because of voting certain people as their officials. Pero, natauhan ako nung may isang beses na narinig ko na wala pala dapat talaga akong karapatang magalit sa kanila. Siguro ang lakas ng loob kong magalit sa mga tinatawag kong "bobo" kasi underage pa ako para bumoto noon at kahit papaano, may ideya ako ng pulitika dito sa Pilipinas. 

Dati lagi akong nagagalit kasi maraming tao sa atin na bumuboto lang ng mga kandidatong sikat, laging nakikita sa TV dahil sa ad, artista, etc. Parang walang katuturan di ba? Marami sa atin ang iniisip na "ay mabait 'to" kasi nabigyan tayo ng groceries o pera o dahil pumupunta sa iskwater's area. Pero, kung ikaw ay isang istudyante ng batas or isang tao na aware about politics, iba naman ang perspective mo. 


Usually, para sa mahihirap kasi at lalo na yung hindi naman nakapag-aral ng pormal, kung sino yung nakikipag-kapwa tao at sikat eh yun ang dapat iboto. Hindi naman nila iisipin na hindi karapat-dapat yun kung nabigyan sila ng pera o nagpakita ng motibong mabait ang kandidato at lalo na kung kilala yung isang opisyal. Katulad ng mga kandidatong artista, puntos sa kanila na sikat sila at palaging nakikita sa TV. Eh dun sila magaling, umarte. Yung talaga yung una nilang profession. Eh sa atin pa naman, ang Pilipino mahilig sa drama, o yun bang nadadala tayo lagi ng emosyon at nadadala sa kwento ng isang telenobela o kung ano pa man. Minsan nga, yung media pa ang nagbibigay ng ideya sa mga normal na tao kung pano umarte sa mga bagay-bagay. Kaya minsan masasabing "Parang pelikula lang ang buhay." At saka, hindi rin natin sila dapat sisihin kasi iba yung pananaw nila sa buhay. Parang ako at ikaw at sila, hindi sa lahat ng oras parehas ang perspectives natin. 

Masakit masabihan ng bobo or tanga, lalo na kung gustong-gusto mo talagang mag-aral pero yung instances yung nagpipigal sa gusto mo. Feeling ko nararamdaman 'to ng mga voters na hindi pinagpalang makapag-aral. Yet, hindi naman lahat sa atin eh alam ang nature ng politics dito sa Pilipinas. Ang gusto ko lang namang sabihin, kung ayaw niyong manalo yung mga gagong opisyal na yan, matuto tayong kumilos agad. Hindi iyong puro rant na lang ng kung ano-ano, wala namang magagawa yang pagmumura or hate mo sa change. Tama yung prof ko sa HRM. Yung march regarding sa pag-abolish ng pork barrel walang kwenta. Eh kung kumilos tayo ng mas maayos? 

Marami talagang paraan para sa pagbabago at lahat tayo gusto ng pagbabago para sa kabutihan ng lahat. Ang problema kasi sa atin, palagi nating sinasabi na gusto natin ng pagbabago, pero hanggang salita na lang. Yung bang ni sarili natin eh hindi natin mabago. Naniniwala talaga ako sa mga sinasabi ng mas nakakatanda, kung hindi ka pa magbabago ngayon, kelan pa? Totoo nga naman, kung sa sarili pa lang natin, hindi na natin magawa. Eh pano pa sa bayan? Nakakatawa, panay rant na lang tayo. Oo ako mahilig ako mag-rant, pero alam ko sa sarili ko kung pano maging mabuting mamamayan. Kahit siguro sa pagiging masunurin na lang at fair, yun na lang. Hindi ko pa nade-develop yung sa studies ko - still on the verge of trying to improve. At palagi rin naman kasing mali yung mga arguments ko para sa marami. 

However, I did not post this regarding my own. I just want to generally inform you or anyone that being a better and an efficient person is the very first appropriate move to make. Hindi lang yung puro reklamo. Kung kaya mo naman, bakit kailangan mo pang iasa sa iba? 

Lastly, yang mga opisyal na yan ang dapat diyan eh i-impeach. Kaso nga lang, sobrang tumal ng justice system dito sa atin. At malabo rin daw na matanggal sila. Marami pang bagay na hindi ko alam, pero yung mga perspectives ko lang ang shini-share ko. May isa pa nga akong naiisip, pero hindi ko muna sasabihin. Siguro sukdulan na kung sasabihin ko yun. Pero kung hindi kayang maalis yang mga gagong yan, not under the law, may something fishy talaga. 

Basta, sa dadating na botohan, iboto niyo yung alam niyo karapat-dapat. Huwag nating ibase sa status ng buhay (artista, sikat, etc), kung as a human person palang eh efficient na siya, yun na. Baka sakaling hindi yung posisyon ang habol niya, kundi pagbabago sa bayan. At kung may kakilala kayong hindi marunong bumoto, tulungan niyong mag-"vote wisely." Ang problema satin may "vote wisely" nga, kaso naman hindi sa lahat ng oras nangyayari - most of the times hindi nangyayari. 

Oh di ba, so stop blaming those people. Instead, educate them.

---
Just a thought. 

No comments:

Post a Comment