Friday, March 9, 2012

Ang mga Kaibigan ko ng Hayskul

Sa totoo lang, marami talaga akong na-realized mga nitong araw lang. Idrk kung part 'to ng growing up or just normal na nangyayari sa tao. Parang nung napaisip ako, ang dami kong mami-MISS sa tana ng buhay high school student ko. Ewan ko, dati para sakin basta makatapos ako okay na. Feel ko dati ang O.A. ng mga students na umiiyak pag-graduation lalo na kung makikita pa rin naman sila next school year sa same school pati. Tas dati ang dating sakin ng mga remembrances ay JOLOGS. Ang taas ng pride ko tas parang wala kong pakialam sa feelings ng mga friends or mga nagmamahal sakin. Hanggang 'thank you' lang ang response ko.

Marami na din naman akong naging friends eh kahit na maraming gusto na siguro akong patayin sa sobrang kaprangkahan ko. Feel ko lahat ng tinuturing kong friends ay ganun din ang tingin sakin. Yung tipong walang bahid ng kaplastikan. Tingin ko nga, lahat talaga ng kaibigan ko ay kaya kong mabilang sa mga daliri ko.



Para sakin, ano nga ba kasi ang kaibigan? Basta, comfortable ako sa kanya at madalas ko siyang hanapin para kwentuhan or mag pakwento at siguro same interests din.

Alam mo ba yung range ng kaibigan? Yung may best friends etc.? Di uso sakin yun. Pero may differences bawat friends ko. I'll reveal.

Sila Lysie, Issa, Janna, Dorina, at JC; sa kanila nagsimula yung 'friendship'. Sa kanila ko hindi na-feel ang rejection. Mga patapos na ng 2nd Year bago kami maging close except kay Lysie na friend ko na simula nung half ng 1st Year ata, basta ahead of the others. Ang bukod tanging reason kung pano kami pinaglapit ng Diyos ay dahil sa KOREAN POP or K-Pop. Hanggang sa maging classmates kami nila Issa at Janna at si Joyce nung 3rd Year.

Si Joyce naman, 1st Year pa lang close kami. New student siya non at seatmate ko siya. Nawala yung closeness namin nung 2nd Year tas bumalik 3rd Year. Eto naman, random things eh, mostly family stuffs ang topic namin. Tas pag pinag sama-sama niyo kami nila Issa, Janna, Joyce, at ako; sabog! Isama pa si Paulo at Allec na classmate din namin, we dominate more! Pero pag kaming apat lang, manti-trip lang ng isa't-isa. Minsan may pikunan, lalo na ako. Tas SUPERSTICKS ang lagi naming pagkain sa may 3rd flr. ng Elem Building, malapit sa Library.

Sina Allec at Paulo, mga katropa ko na simula 1st Year. Di ko pa sila ganong ka-close ng mga panahon na yon hanggang sa naging magkakaklase kami. Nung 3rd Year, napaka sinusumpa yung batch namin. Sinusuka ng lahat halos ng teachers even our adviser. Pero despite that, yung section namin mas worst sa kabila. Well, I don't like to tell any further. Happy moments namin pag free time. Labasan ng gadgets at wrestling at bullying at eating. Lahat ng possible offenses na gawin, gora lang! Uso pa nun ang Tap Tap.

One day, absent ako. Next day, pumasok na ulit ako. Ang salubong bigla nila sakin, may feasibility study daw sa Chemistry at ako ang leader. Like what the perks di ba? Sinong matutuwa non, bumalik ang stress mo. Aba'y wala naman akong magagawa at kaming anim ang groupmates. Isang araw after kong malaman ang news, nag-absent kaming 6 (Santi, Joyce, Issa, Janna, Allec, Paulo) para sa feasibility study. Eh plano dapat half-day pag maaga matapos, nangyari nga. Pero never the half-day plan. After the study, diretso nang SM Sta. Rosa at nuod sine.

Sila Alou, Shiela, Chey, Iyah, Cath, AJ ang isa pa sa mga close ko. Mahilig kami sa trip, mga basagan ng trip, away, gera, bully, at pati na rin ang daldalan, basta kasiyahan expertise namin. Kahit magkakaiba kami ng sections, magme-merge pa rin. Pero talaga, si AJ good girl dati. Eh na-impluwensyahan. Good girl pa rin naman kaso, parang si Jae na!

Ang natatangi kong Bro, si Mikee. Bihira na kami mag-usap eh. Di na kami nagkikita. So pano na? Jk. Si Mikee babae, di ko na rin maalala kung bakit bro tawag ko sa kanya pero nagsimula friendship namin nung 1st Year. One versus All ako sa classroom at wala kong kasama. Eh nakita ko si Mikee mag-isa, sumama ako. Hanggang sa nabuo na yung closeness namin kahit mapanglait akong nilalang towards her, mahal ko 'to hanggang ngayon.

4TH YEAR.

Lumipat ako ng school, Christian school, Amazing Grace School. Una, ayaw nila Mama kami ilipat since Christian school nga pero ngayon, wala silang pagsisisi at thankful pa sila. Ako lang naman kasi may gusto sa Amazing kasi nga dahil sa UP. Eh sadly, I didn't passed nga lang, but no regrets still. As long as marami akong natutunan, masaya na ko.

Marami rin akong kakilala sa AGS, mapa-ibang section at level pa. Friendly kasi ako tas sobrang ingay kaya siguro naging ganun ang buhay. Pero may certain people talaga ako na I will never ever ever ever regret being with.

Junie, Che-che at Jelamae. Mahilig sila sa KPOP. Una si Jela hindi, pero naimpluwensyahan namin lalo na si Che-che. Sila yung mga brainiacs kong friends. Si Junie ang aking 85 Gomi Ber! Ang bangag lang namin, sabog lagi tas laging tawang wagas pa. Matalino yan, kala mo! Ponana~

Gucci, Jason, Ericka. Minsan ko na silang nakasama pag-break time. Lagi din akong dependent sa kanila dati since new student and bago ang lahat sila yung isa sa mga taong nakasama ko.

To, Bench. Isa sa mga paborito kong utol sa classroom. Para ko silang mga kapatid ganun. Si To, seatmate ko ngayon tas Sis tawag ko sa kanya. Si Bench, kahapon ko lang naging ka-close ng mas onti pa. Wala lang, di ko talaga expected na magiging close kami kahit papano lalo na si Bench na ang akala ko malihim na tao. Tsk. Maling akala. Basta si To, magkasundo kami sa music.

Kael. Oo CariƱo Brutal tawag ko sa kanya. Katuwa kasi, astig ng surname. Naging seatmate ko siya. Basta halos lahat ng seatmate ko ka-close ko nga. Tawag ko sa kanya Bibi hihi, cute. Naging close kami dahil sa kwentuhan ng buhay-buhay, mahilig kami mag-eat like a boss, at parehas din kami ng ugali somehow. Basta mahal ko 'to like my brother din! May frat kami eh haha, naniwala ka naman. Basta boyish kami.

Berna, Dannah. Ang isa pa sa mga ka-close ko! Saming tatlo, si Berna ang iyakin. Pwede siyang mag-artist kasi ang babaw ng luha niya. Parang baby. Pero masipag na bata yan kahit ganyan. Lagi ko siyang nife-friendly advice lalo na sa buhay niya. Alam ko magkakaintindihan kami kaso minsan harsh ata ko mag-salita. Pero sa tingin ko wala nang tatalo sa accent ni Dannah! Napaka-vocal din niya mag-advice kay Berna eh. Pero I wonder bakit di naiyak si Berna masyado?! Brutal lang talaga kaprangkahan ko no. Well, si Dannah basta Hollywood, magkasundo kami, mapa-artists or movies. At seriously, si Dannah talaga napaglalabasan ko ng most hatred ko. Sa kanya ko nashe-share usually.

Johj. Ay nako eto love love love love at love from the Lord. Siya ang taong nagpabago ng dating Santi. She helped me spiritually. Tas naging seatmate/nanay ko siya. Napaka mother-like niya. Caring at sweet hihi. Makwento pa.

Lahat ng friends ko mahal ko. Hindi ko talaga sila kakalimutan as in mga inspirations ko sila, mga God-given blessings, mga kapatid, mga classmates, at purely God's will to be with them.

No comments:

Post a Comment